*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Sunday, July 04, 2004
Haaaaaaaaaay...
I was talking to one of my cousins today. I will not tell you who.
Kaming dalawa na lang nakakaalam 'non. Honestly, I was crying while I was talking to her. I just feel sad about these things.
I've heard about people who go against their parents -
mga rebelde. I had a classmate before who belong to this group of people. She didn't go to class for how many months but her parents always thought that she did because she always asked for
baon. Until one day, her mom dropped by our classroom, looking for her daughter because she was going to give her something. We told her that her daughter's not in school. One of the girl's best friends disclosed that her daughter spends the whole day at SM. You should have seen her mom's face.
Hindi pa ako ina, pero ang sakit siguro 'non 'pag nalaman mong nag-gagago ang anak mo. Pilit mong iniintindi ang ginagawa ng anak mo, pero ikaw hindi ka man lang intindihin. Paano na 'yun paghihirap na dinaanan mo para lang mapakain mo siya higit sa tatlong beses araw-araw? Paano na 'yung perang winaldas lang niya sa paglalaro ng mga video game at kung anu-ano pang bagay na para pangkain niya sa school? Paano 'yung lahat ng oras, dugo at pawis na ginamit mo para mapalaki siya ng tama ngunit malalaman mo lang sa huli na hindi ka nagtagumpay sa trabahong iyon? Paano 'pag na kick-out siya at hindi na makakatapos ng college? Anong klaseng trabaho ang mapapasukan niya? Paano na kung matanda na ako at hindi ko na kayang magtrabaho para mapakain siya araw-araw?
At bilang anak, malalaman natin na ang trabaho ng isang ina ay hindi natatapos. Simula ipinagbuntis tayo at ipinanganak, maraming paghihirap ang dinaanan nila. At anong makukuha nila kapalit 'non? Pagmamahal sana at pag-uunawa. Ang ina ay di kailanman humingi ng materyal na bagay bilang kapalit sa pag-aarugang ibinuhos sa atin. Pagmamahal lang na hindi nabibili sa kung saan at nanggagaling lang sa puso. Paano nga ba maipapakita na mahal natin ang mga magulang natin? Sapat na ba na sundin natin kung anong gusto nila? Sapat na ba na mag-aral lang tayo nang mabuti? Sapat na ba na makakuha tayo ng magandang trabaho sa hinaharap at magkaroon ng matiwasay na buhay? Sapat na ba na isama natin sila sa mga pangarap natin? Kulang pa. Sa aking paniniwala, hindi sapat ang isang lifetime para pagbayaran ang mga paghihirap ng isang ina. Kulang pa. Kulang na kulang pa.
Tiiin* was starless at
2:55 PM

1 Comment(s):
at 6:48 PM:
yeah.. but then, we can't blame it entirely on the parents.. actually, we can't blame everything on anybody.. pareho tayo, there are some things na ginagawa ng parents ko na ayaw ko.. yun para bang mashadong masikip..d ka makagalaw.. ayoko ng nagaganun.. parang hindi na fair.. i do things na im not allowed to but i make sure na i can handle myself..na i'm responsible. pero shempre i still obey them naman.. ^-^ good for u, proud too na mabuti kang anak. ^-^ -tin