*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Monday, March 27, 2006
Maling Akala
Currently listening to: Spongecola - Gemini
Maraming di nakakaalam. Natakot talaga ako tungkol sa pagpapatake ng removal exam sa akin. Di ko naman ineexpect na malaman nila pero kung kilala talaga nila ako at alam nila kung ano ang importante sa kin, dapat alam na nila yun. Nakakalungkot. Kahit mga magulang ko hindi ata alam na kinabahan ako dun. Pano nalang ba kung hindi ako nakagraduate sa dapat na oras? Mapatay kaya nila ako? Panu na yung natitirang tiwala ko sa sarili ko?
Saktong sakto yung words na pinili ko dito sa blog ko: 'Me, myself and I, that's all I've got in the end'. Buti nalang pala di pa ko iniiwan ng sarili ko. ^^
Totoo nian, disappointed ako sa sarili ko. Andami ko na naman atang maling desisyong nagawa. Andami ko na namang tinitiis na di ko naman dapat tiisin. Andami kong iniintindi na di ko naman dapat intindihin at di rin naman nila ako iniintindi. Bakit ba ako ganito.. Parang di na ko natuto..
Tungkol sa removal ko pala kanina.. Nanliit ako dahil sa mga comment ng mga tao sa akin. Sabe ni Bob, magreremoval daw sila kasama ko, meaning matalino din daw sila. Tas si Dems ata yun nagsabe na yung ibang mga kasabay na mageexam, naiintindihan daw nia kung bakit mageexam, pero ako daw hindi. Si Hotness naman nagtanong kung bakit daw ako kasama sa mageexam. Sa totoo lang, kung nagtataka kayo at nagugulat, mas lalo na ako. Pero di nalang ako nagsasalita. Ayaw ko naman masabihan na ang yabang ko naman. :( Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit ako pinagexam kanina. Kung ano bang nagawa ko bakit nagkaganun.
Sabe ni papa pag-uwi ko, hayaan ko na daw, wag ko na daw isipin. Inexplain ko na rin kase na ayaw ko nang pumalag baka anu pang mangyari. Okei na daw yun. Para sa akin, okei na rin. Pero shempre di pa rin maiiwasan na madisappoint ako sa sarili ko lalo. 89% yung grade na nakuha ko pala sa removal..80% ang passing para daw makakuha ng 3.00 sa class card. Oo nalang.. :) Parehong exam yun dun sa final exam noon. Sabe nga ni General sa akin, kahit ipaulit sa kanya yung parehong exam na yun, di daw sha makakakuha ng ganung grade. Nakakapangiti kahit papano. Malay natin naramdaman nia yun nararamdaman ko kahit akala ko galit sha sa akin. :)
Paminsan natutuwa ako kaya papa pag parang supportive sha sa akin. Usually naman pagdating sa pag-aaral, supportive sha. Nalungkot nga ako kay mama kanina kase nung 12pm tumatawag sha sa akin, eh nagccommunion ako nun kase inaya kami ni Ma'am Amarillo na magmisa, di ko nasagot. Nagtext sha di rin ako nakareply kase wala akong load. Tas nung nakuha ko na yung result nung hapon, namiss ko pala calls nia 3 times. Buti narinig ko yun pangapat na tawag. Kinakamusta nia kung anu nangyare. Sabe ko naka 89% ako tas ang saya-saya ko nagkkwento sa kanya. Sabay sabe nia bakit daw di pa ko umuuwi asan ba raw ako. Eh malamang na sa school ako. 2pm yung schedule nung test pero mag-3 na ata nagstart yung test. As usual, naghihinala na naman sha.
Pag-uwi ko nga dito, imbis na magtanong pa sha tungkol sa nangyare sa removal ko, nagpaparinig pa sha na pag minsan daw nagsinungaling, lagi na daw sinungaling. Hindi ko maintindihan kung anu ba tinutukoy nia na sobrang grave na pagsisinungaling ang ginawa ko. Puro white lie lang naman natatandaan kong lie. Sumagot nalang ako, sabe ko 'Parang pag pinaghinalaan ka, lagi ka nang paghihinalaan'.
Nakakalungkot. Buti pa yung nangupit, hindi laging napaghihinalaang nangupit. Alam nio, di ko naman ineexpect na maging patas kayo sa amin. Understood ko naman na mas pinagbibigyan yung isa kesa sa akin. Halata naman na yun. Kahit sinong taga-labas nakikita yun, pag tinatanong palang kung saan nag-aaral yung kapatid ko, sinasabe agad nila bakit daw ako PLM. Okei lang naman yun. Okei lang naman na may favorite kayo. Karapatan nio yan bilang mga magulang. Di naman ako umaangal tungkol sa mga bagay na binibigay nio sa amin di ba? Ang wish ko lang naman, wag nio nalang i-verbalize kung anu mang naiisip niong masama tungkol sa akin. Itago nio nalang, yung kayo-kayo nalang ang nakakaalam. Marunong rin naman ako masaktan tulad nio. Tao lang rin po ako.
Ayun. Dehydrated na ata ako.
Nung sinabe ko nga na babalikan ko pa yung class cards ko dun sa subject na pinagremoval ako sa Wednesday kase sa Tuesday wala yung prof, tumingin pa sha kay Papa. Shempre may ibig sabihin yun. Bukas pupunta rin ako sa school kase may leadership seminar ng 8am, nirrequire ng dean. Kukunin ko na rin sana yung class card ko sa Dev Bio. Yun ay kung okei na yung thesis ko. Sana wala nang kailangang baguhin dun para di na ko babalik balik ng school. Para rin di na ko napaghihinalaan.
Let me know if dreams could come true..
- Gemini, Spongecola
Tiiin* was starless at
6:53 PM

0 Comment(s):