*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Sunday, August 22, 2004
Haller!
I'm feeling nationalistic today kaya magtatagalog ako..err..taglish pala.
Napakahectic ng araw na to. Pagmulat ng mata ko, may utos na kaagad sa akin ang dakila kong ina. Nag-alay kasi kami sa mga mumu. Alam mo naman, sa chinese, maraming inaalayan. Ang pinakanakakahilong gawin ay ang pagtupi nung papel na pangsunog. Ako lahat nagtupi non. Gosh. Mahigit sampung bundle yon, para lang sunugin.
Pagkatapos kumain, inutusan pa ako ulit at nagtrabaho hanggang mga alas-dos. Tsaka pa lang ako nakaligo. Wahaha. Ang antut! Bago mag alas-tres nagsimula na akong mag-aral ng projectile motion. Natutuwa naman ako dahil dalawa lang ang mali ko. Wish ko lang sa exam, mga ganon lang ang tanong. Nakagawa na rin ako ng assignment sa Biostats na para sa martes pa. Ayoko kasi ng nagagahol sa oras. Ayoko mag-cram.
Nakwento ko ba na naiyak ang prof ko sa Biostats nung nakaraang biyernes? Yung isa ko raw kasing kaklase, hindi satisfied sa grade na nakuha nya kaya nalukot niya yung papel sa harap nung teacher. Hindi naman niya hangaring mang-offend. Banas lang siguro siya sa sarili niya kaya ganon. Tapos, nung naglelecture yung teacher, may sumigaw ng sagot nang pagalit. Kaya ayun. Naaawa ako sa prof kasi kahit halatang hirap siya magturo, pinipilit niya tsaka mabait siya talaga. Ayan tuloy, simula next meeting, reporting na kami. Kami na ang magtuturo sa sarili namin. Good luck.
Iniwan ako ni Spark. Hindi man lang ako tinext kung sasama ba ako magbadminton o hindi. Eh nung biyernes sabi ko gusto ko sumama. Pinayagan nga ako e. Tapos biglang wala na siya sa bahay, pumunta na kela Pat. Wala. Siguro nga ayaw na niya. Tinext niya kasi ako ng past 12. Eh di ba nagtratrabaho ako non tsaka yung cellphone ko na sa taas. Hindi daw kasi ako nagrereply kaya akala niya, namasyal ako o ano. Nung nakauwi na siya, nagtext siya, sorry daw hindi niya ako nasama, matutulog na daw siya. Hay ewan. Bahala siya. Ayoko na dagdagan yung mga iniisip ko. Kahit wala naman talaga akong inisip kundi RagnaroK at school.
Nakakadepress ang mga nangyayari lately:
~ Yung lola ko, pinakabit ng magaling na kapatid ng nanay ko sa respirator. Nakakahinga na nga siya ulit ng mag-isa niya e sabay ginanon niya. Ayan tuloy. Nakadepende na naman ang lola ko sa respirator. Sh*t talaga. Paano gagaling yon?!
~ Magkakagulo na naman sa compound namin. Yung asawa ng magaling na kapatid ng nanay ko ang nagdudulot nito, dahil nakalipat na sila ng bahay sa labas ng compound. Marami kasi siyang kaaway dito sa loob. Pero wala na nga siya, gusto pa din niya ng gulo. Ambot. Nagsisimba pa yon linggo-linggo. Mapapaisip ka.
~ Ang dami pa. Masyado lang mahaba at siguro medyo personal na yung iba. Ewan ko ba. What's wrong with the world? What's wrong with our neighborhood? What's wrong with our home? Kailan ba dadating ang pagbabago?
Tiiin* was starless at
9:06 PM

1 Comment(s):
at 7:55 PM:
alam mo ba.. yung pagsusunog nung mga paper na yun.. ay symbol ng pagbibigay ng pera sa mga dead relatives... sabi ng angkong ko noong time na malakas pa siya... sabi niya kapag daw madami sinusunog na ganun, yayaman daw mga dead relatives, mas madami daw mash-share niya sa mga friends niya sa kabilang buhay... ngayon na dead na yung ankong ko, dinadamihan namin pagsunog.. para madami din siya pera dun.. tapos madami siya mash-share...
in return, yung mga na-share-an ng dead kamaganak mo will help naman sa atin dito sa mundo..
weird noh? parang senseless superstition.. pero since yung nagsabi sakin angkong ko, naniniwala ako.. kasi shempre angkong ko yun e... chaka no harm in trying..
btw, ako din taga tupi nung paper...
abt sa inyo ni spark.. since lately lagi kayo ganyan.. siguro konting space lang... diba diba?
-mer-.. ayaw maglogin ng blgger.. grrr