*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Monday, December 06, 2004
Dami pa palang Pahabol
Sounds of Inspiration: Bamboo - Mr. Clay
Dumagdag pa pala ng mga paper na gagawin. Bale..4 na lahat lahat.
1 - Bioresearch
2 - Ana Chem
3 - Tech Writing
4 - Tech Writing (by group)
Sana bago mag Christmas vacation, may topic na para sa lahat na yan, para makapagsimula na ako. Pati yung by group. Ngyahaha!! Kelan ba naging by friends ang grouping na gumawa ang mga friends ko?? LOLx Pero indi. Tumutulong naman sila. Sasabihin mo nga lang kung anong gusto mong mangyari. Buti naalala ko maghahanap nga pala ako ng mga posibleng topic. ^-^
Gusto ko sana subukang magsimbang gabi. Hindi naman dahil dun sa wish pag nakumpleto mo. Matagal tagal na rin akong hindi pumapasok ng simbahan. Naaasiwa kasi ako sa mga taong kilala ko na nakakasabay ko na pag na sa simbahan akala mo kung sinong anghel tapos paguwi umaapoy ng mura at kung anu-ano pang kasamaan ang bibig. Balik tayo sa simbang gabi. Mukha namang hindi na naman ako papayagan as usual. Mainit pa mukha ko dito. Sabe ng barkada ko, either gabi daw or madaling-araw ang simba. Hm.. Maaga naman pasok ko kaya 5 ako gumigising. Pwede naman siguro ako gumising ng mas maaga para makapagsimba. Takas nga lang? Simba nga, takas naman. Ehwan. Bahala na.
Ayoko nga sanang umuwi. Kung di ko lang kailangan magluto para sa lola ko, di ako uuwi. Iniisip ko na lang na sha nalang may kailangan sa kin kaya pa ko nabubuhay. Di ba ganon daw yun? Mabubuhay ka hanggang ma-serve mo yung purpose mo. Pag tapos na, tapos ka na rin.
Gusto ko mag-disappear sandali. May maghanap kaya sa kin? Hm..
Gusto ko na bumukod. Sana matapos ko na tong college na to. Pag-grad ko, bubukod na ko. Tapos ako nalang magssupport sa aral ko. Pwede naman ako magpart-time job. Mura lang naman tuition fee ng med sa PLM - Php13,000 lang. Kaya ko yon. Hrm. Ehwan. Baka nasasabi ko lang to. Kasi siguro galit ako o ano. Ngyaha. Di ko alam kung ano nararamdaman ko. Kabaliw! ^-^
Nasasabi ko lang to. Hindi ko rin naman kaya kasi baka anu mangyari kay mama. High blood pa naman yun. Baka mag-alala sha pag nawala ako. Mahuli nga lang ako ng uwi ng almost 1 hour, todo tawag na yan sa cellphone eh. Achaka pano na si amah? Sino na magluluto ng pagkain niya pag wala ako? Sino na magoosterize ng pagkain nya kung wala ako?
Naiinis ako sa mga taong may pafriends friends pa muna kuno tapos biglang gusto manligaw tapos hindi naman pala talaga interesado sa iyo. As in sa IYO mismo. Kung sino ka, ano ka. Iba pala gusto makuha sa iyo.
Nakakalungkot. Anu-ano na naman kasi kinwento sa kin nito ni Ahiya. Pero.. sabi ko nga di ba.. Kung may gusto nang iba si Ano, ok lang. Kung san sha masaya, suportahan taka. I'll be just fine. No worries.. ^-^
Siguro iniisip niyo "anu-ano naiisip nito ni tin". Marami pa kayong hindi alam. Akala niyo lang sobrang OK ako kasi lagi lang ako tawa ng tawa, kwento ng kwento, puro kalokohan, bla bla. Gusto ko lang maging masaya. Lahat naman ng tao may kanya-kanyang problema di ba? Lahat din gusto maging masaya kahit papano. Sabi nga ni Plato, "Be kind, for everyone you meet is fighting a hard battle." ^-^
Iniisip ko.. sa Christmas, baka ipangregalo ko Tiramisu. Mura lang pero galing sa imbutidohan ng aking puso. Erm.. ibuturan? Kaibuturan? Kaimbuturan? Eh. Basta from the depths of my dying heart. Pero di pa naman sure yon. Bahala na.
Gusto kong pumunta sa ICA para bisitahin si Huang Lao Shi (Chinese teacher ko) nung grade 7 yata yon. Mabait sha sa akin. Yun lang yata ang Chinese teacher ko na hindi ako pinaiyak. Haha. Pero sinumbong ako kay mami non kasi daw nahahawa ako sa kadaldalan ng mga seatmate ko. Haha! Pero ok lang. Alam ko naman na para sa ikabubuti ng grades ko yon. Miss ko na sha. Sana andun pa sha pag visit ko. ^-^
PS. Ang haba na naman nito. Ewan ko ba. Matagal tagal na rin kasi ako hindi nagsasalita dito sa bahay o nakikiapagkwentuhan sa kung kanino. Dito lang naman talaga ako naglalabas ng lahat lahat. Kaya..pasensya na kung mahaba.. haha.. Wag niyo na lang basahin. Nakakatamad naman talaga. Haha! ^-^
PPS. Oo nga pala. Amah ang tawag namin sa lola. Chinese word for "lola" ay "amah". ^-^
Tiiin* was starless at
7:22 PM

0 Comment(s):