*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Thursday, December 30, 2004
No Zest, No Good
Music that fits me today: Janet Jackson - Everytime (but every time your love is near..and every time I'm filled with fear.. 'cause everytime I see your face.. my heart does begin to race every time..)
Hindi ako naka-blog kahapon. Hwaha. Obvious? =P Hm. Birthday party kasi ni Ik. Madaming tao dito..kaya madami rin akong ginagawa. Ako kasi nag-aasikaso sa pagkain nila kasi wala si mami. Andito si dadi pero sa drinks sha nakatoka..pero tumutulong naman sha nang pasundot-sundot sa pagkain. Ang late na nagsimula. Dapat 11:30. Ang babata pa, mga ewan na pag dating sa punctuality. Dalawa lang dumating ng tama sa oras - si Ace achaka si Ivan. Ang pinaka-late pa na dumating, yun pinakamalapit lang nakatira! Phbttt!! Ang aga pa niya umalis, di nagpaalam ng maayos. Tsk tsk. Balahura. Pangit ugali.
Hm.. nung pumunta ba ako sa Pasay, ganun din kaya naging ugali ko? Wala lang. Napaisip lang. Nakakatuwa naman yun iba niyang mga kaklase, makukulit at mashadong maligalig. ^-^ Bago sila umalis, kinantahan pa nga nila ako. Hwaha! "Thank you, thank you! Thank you very much! Thank you!" Hwahaha!! Parang nangangaroling.
Habang nagseserbidora ako, naglalaro ako ng RO on the side.
Oo, kasi ako ay isang dakilang adek. ^-^ Kagabi nagshopping nga kami ni mahal sa Prontera City. Hwaha! Ang saya! Kanina, nagshopping kami uli. Binilhan niya ako ng tiara, earrings achaka romantic flower. ^-^ Bumili rin ako ng 2 gold rings kanina! Kasi may Christmas quest tapos pwede ka magpa-engrave ng rings, malalagay yun pangalan ng character mo. Pina-engrave namin tapos nag-exchange kami ng rings. Sweet noh?? ^-^ Sabi niya pag dating daw ng Amatsu, yun wedding system, papakasal daw kami in-game. Hwahaha! Excited ako! ^-^ Panibagong rings yun uli pero gusto ko pa rin isuot yun gold ring na may name nya. Papalit-palit nalang siguro. Kasi yun wedding ring ng babae, pwede ka magbigay ng SP sa lalake, yun wedding ring naman nun lalake, pwede magbigay ng HP sa babae. Ang sweeeeet! ^-^ Hay.. Adek adek na naman ako. Pag nagpasukan na, mamimiss ko ang RO.. T_T
Nakapagsimula na rin pala ako dun sa isa kong project habang hinihintay mga kaklase ni Ik. At least, nauunti-unti ko na. Parang gusto ko magpalit ng thesis topic para sa Bioresearch. Hm.. Or wag na lang. Hwaha. Bat ang gulo ko?? Kailangan ko lang mag-research pa nang todo-todo.. Yun na lang para mahirapan ako. At least ma-chachallenge ako. Kailangan ko nang gumamit ng utak. Baka kalawangin..hindi ako makapag-doctor. Speaking of utak at pagdodoctor, lumabas na yun partial results ng entrance exam ng DLSU. Pasado na pinsan ko.. kapatid ko kaya? Hay.. Please po, God, sana pasado sha.. Wala pa kasi yun name niya dun.. Sana by January, andun na.. Dun kasi talaga niya gusto pumasok.. Nakakalungkot naman kung di sha makakapasa..
Sinabi ni Ik kela mami ang tungkol sa DLSU results. Shempre, di na naman nila naiwasan ang mag-compare. Sabi ni mami, bat daw ganon, ako napasa ko lahat ng entrance exams ko, tas sha wala. Hay. Hindi pa naman final yun..sana. Makakapasa yun..sana. Hwahaha! Basta. Alam ko mas matalino sha sa akin kasi kahit hindi sha nag-aaral pumapasa sha sa mga test niya. Sinabi ko rin yun sa kanya dati. At shempre, natuwa naman si SK nun narinig niya na sinabe ko yun. Sabi ko nga ngayon, sa PLM na lang din si Ik mag-aral, mag-exam sha. Alam mo ano sabi ni SK? "Ang layo." Waw. Haha. Bakit ako? Pilit niya akong pinasok don eh ang dami ko namang pwedeng pasukan? Bat dati hindi niya naisip na malayo? Ako naman yun babae ah? Hindi ba mas delikado on my part yun? Ganon lang yata talaga ang buhay..ko. Bumulong din si mami kay dadi, "Wala na, patay na lahi niyo." Natawa na lang ako. Hwaha! Lagi kasi pinagmamalaki sa amin ni dadi yun mga pamangkin niya na matatalino, UP graduates, prof sa UP, may exhibit sa ganito sa ganyan - lalo na sa akin. Ewan kung bakit. Gusto ko nalang isipin na gusto niya, higitan ko yung nagawa nila or maging magaling din ako. Ang masasabi ko lang, "I am my worst enemy." Hindi ko kailangan makipag-compete against other people to prove my worth.
May nakwento si mahal sa akin kanina. Hm..parang napaisip ako na nalungkot na ewan. Hindi ko ma-describe. Selos ba? Hm.. Ewan. Di ko talaga sigurado. Naalala ko lang kasi yun mga kwento ni Jerry nung hindi pa kami ni mahal. Yun mga nakita daw niya kasama ni mahal yun crush niya na ganito ganyan. Tas biglang may kkwento sa akin si mahal na parang ganun.. Selos nga yata.. T_T Ewan meh. Sorry napaka-insecure kong tao.. Siguro kasi hindi pa rin ako makapaniwala na kami na nga talaga.. As in kami na. Akala ko kasi talaga Utopian dream lang sha..hanggang dun lang.. Hanggang ngayon yata ganun pa rin ang feeling ko.. Kailan kaya ako magigising? Sana ngayon na.. Wag kung kailan huli na ang lahat..
Bumili na ng paputok mga pinsan ko! Exciting to!! Hwaha! Laging masaya dito pag new year's eve. Malakas yun sounds kasi nakalabas yun malalaking speakers ng mga pinsan ko. Tapos kulitan, mah-jong, inom.. Hwaha! Pero bukas, baka pa-gurl ang outfit ko. ^-^ Shempre, magsusuot ng pula pa rin. Hrm. Ano kaya? Red dress or red top tapos maong skirt? Hwahaha!! Halande. -_- Sana masaya bukas.. Isa lang sa tingin ko ang hindi magbabago pag new year's eve, lumalabas ang pagkakulot ng utak ni SK. Lagi yon. Walang palya. Kaya lagi kaming magkaaway ng gabi na yon.. at siguro yun ang dahilan kung bakit kami madalas mag-away sa loob ng taon. -_- Kulot ba naman against kulot. Wala naaaaaaaa. Patay naaaaaaaa. Mwehehe. =P
Gusto ko yata maglaro ng RO.. ngayon naaaaaaaaaaaa.
Gagawa pa pala ako ng Tiramisu. Hay. Daming kailangan gawin at gusto ko gawin pero parang wala akong gana gawin. Ang gulo. Naghihintay lang yata ako ng SUPER lapit na ng pasukan bago ako gumawa. Hay. Crammer. Ewan meh.
Tiiin* was starless at
6:06 PM

0 Comment(s):