*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Thursday, January 13, 2005
As Honest as being Naked
Currently listening to: my heartbeat.. my pulse.. my breath..
Today, on a scale of 1-5, 5 being the highest:
School Productivity: 1 2 3 4
5
Angelic Deeds: 1 2 3
4 5
Devilish Acts: 1
2 3 4 5
Fun: 1 2
3 4 5
Mahal: 1 2 3 4
5
Ang busog ko! Haha! Kung hindi pa ako ibBUZZ! ng tummy ko, hindi pa ko kakain ng maayos.. Hay.. Pag ganito talaga na stressed ako, halos lahat wala sa ayos..
Dinala si amah sa hospital kanina. Dun sha sa St. Martin de Porres..lapit lang. Kilala kasi si SK dun..sa kakadonate niya (na sana galing talaga sa puso niya at hindi pakitang-tao lang)..kaya mejo alam na nila kung anong klaseng mga doktor ang nandun. At di hamak hindi pareho sa mga doktor na nagdoktor para yumaman (at sana kunin na yung mga nagpapayamang doktor..ng sino mang dapat kumuha sa kanila). Icoconfine dapat si amah kaso lang yun mga private rooms na kaka-available lang, may mga infection yun mga taong nag-occupy sa mga yun kaya nirecommend nung doctor na wag muna. Pagkaalam ko, nung dati sa Cardinal Santos pa kami, ginagamitan pa nila ng ultra violet rays para mamatay yun mga bacteria at kung anu-ano pang virus tapos hindi pinapagamit yun kwarto for 1 whole day yata.. Bukas ng umaga ibabalik sha sa St. Martin para operahan yun paa niya. May tubig daw kasi tapos yun dermis niya parang nabubulok na dahil dun..pag hindi tinanggal, magkakaroon ng bacteria tapos kakalat daw sa katawan niya. Muntik na naman nga kami mag-away ni mama.. Paano ba naman kasi..hindi na naman niya inalam kung ano yun tawag sa "sakit" na yun. Sa totoo lang, takot na ako ipagalaw yun lola ko sa mga doktor dahil nung huling ginalaw sha, ayan, na-comatose. Yung device pala na ginamit sa kanya, may risk na mag-slip ang patient into a coma lalo na kung 70 years old and above na. Sana nabasa ko yun beforehand. Sana nalaman ko na gagamitan sha ng instrument na yun beforehand. KUNG NABASA KO YUN AT NALAMAN KO YUN BEFOREHAND, EH DI SANA HINDI SHA GANYAN NGAYON. SANA pag inoperahan sha, SANA walang complications at walang risks. Sana.. Kung.. Sana.. Kung.. Ganon lang yata talaga.
Ayaw na ni mama na dalhin sha sa Cardinal Santos kasi pinapatay kami sa expenses nun. Kung sa labas mabibili mo at Php7.00 yun gamit na kailangan mo, pag sila ang nagprovide, times 3 yun. Lalabas, Php21.00 ang isisingil sa iyo. Yung binabawas nga nila sa PhilHealth, sobrang mali daw sabe ni mami. Sobra sobra yata or something.. Hindi ko kasi alam kung pano nagwwork ang PhilHealth.. Kung sa Cardinal nga dinala si amah today, instead of Php270 lang ang babayaran, siguro Php27,000 na yun inabot. Basta lang pagkakaintindi ko at alam ko, SWAPANG ANG CARDINAL SANTOS. MAMATAY NA KUNG SINO MAN ANG DAPAT MAMATAY SA KANILA.
Naurong yung deadline ng proposal for Technical Writing to a later date. Hm..parang wala lang sa akin. Hindi naman ako natuwa.. Hindi rin nalungkot.. Wala lang. Pero yun chapter 1 ko sa Bioresearch, ganun pa rin ang deadline.. Kaya ko naman gawin yun sa weekend.. At hindi ko na kailangan maghintay ng mood..hindi na pwede. I need to fix my life.. Sh*tness na ako..
Naaaning na yata ako. Anong iniisip ko? Lahat ng nandito sa blog.. kulang pa nga eh.. Kung pwede lang magpasok ng tao sa utak mo para lang malaman nila kung ano iniisip mo, matagal ko nang ginawa. At siguro kung pwede yun, maliligaw yung tao sa loob ng utak ko sa dami nang iniisip ko. HAHAHAH!! Hay.. Ang galing ni God noh? Sa buong buhay ko..ngayon ko lang nakuha ang isang MALAKING bagay na gusto ko talaga..ngayon lang Niya ako pinagbigyan.. Naiisip ko ngayon..siguro..malaki ang kapalit nun.. Di ba ganun naman? Pag may binigay Sha, may kukunin Sha. You win some, you lose some. Hindi pwedeng na sa iyo ang lahat. Birthday mo?! God ka rin ba ha?! Hindi. Si God lang pwede nun. Ang tanong..handa ba ako i-give up yung kapalit na gusto niyang kunin..?
Tiiin* was starless at
9:04 PM

2 Comment(s):
merrie at 7:44 PM:
apir tayo! ako din madaming laman ang utak.. dami ding iniisip... kahit na di dapat isipin iniisip... tas di ko din alam kung pano sasabihin lahat.. hahaha! Pero may baliktad sa atin... ako kasi, sunod sunod na kapagpakan yung nangyayari sakin.. sana may kapalit naman na mabuti.. hahahah!
at 8:24 PM:
ok lang yan.. lalabas din ang araw pagkatapos ng bagyo.. :) good luck sa iyo.. and hang in there.. i'll be here if you need me :) mmmwah! tc! :) -bb