*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Saturday, January 15, 2005
Hindi porket Koreano ka, magaling ka mag-taekwando
Kantang umuulit-ulit sa utak ko: Parokya ni Edgar - The Yes Yes Show
Today, on a scale of 1-5, 5 being the highest:
School Productivity: 1 2 3 4
5
Angelic Deeds: 1 2 3 4
5
Devilish Acts: 1 2 3 4
5
Fun: 1 2 3 4 5
Mahal: 1 2 3
4 5
I woke up at 7:30am because I was supposed to bring my amah's food to the hospital. However, Ai Cita says she's bringing it instead so I went back to sleep.. and I ended up waking up at 11. Hwaha! Batugan!
We had nothing to eat for lunch so I thought that we should just buy food. Since my bro was at the comp shop, I went there para two birds in one stone - dinaanan ko sha tapos nakita ko pa mahal ko. :)
Pagbalik namin nagalit pa nga si mami. Kasi ayaw nya maniwala na bumili kami ng ulam. Mahirap talaga pag nasisira ang tiwala ng isang tao. Mahirap maibalik. Kasalanan yun ni SK. Sha naman nagturo sa amin magsinungaling. Pero mali din kami..bat kami sumunod?
Nung umaga nakausap ko nga si K. Tanong niya kung pwede ba raw ako "hiramin" sa mahal ko. Nung isang araw si B.. Totoo lang.. sawa na ako sa mga ganyan.. Lagi nalang nila ako pinagtritripan ginag***..sinusubukan. Bat ba hindi sila magsawa? Minsan ayoko nalang umimik..para kunyari wala lang.. pero totoo badtrip yung ganon. Sino ba naman kasing matutuwa? Pati mahal ko nagagalit na.. Nakakatakot talaga sha pag ganon.. tapos nagmumura.. yipes.. Pero ok na.. Sana lang, wag nang mangyari ulit.
Ginawa ko yun Chapter 1 ng thesis ko the rest of the day until mga 10pm. Ok naman. Buti nalang mabait mahal ko at tinutulungan ako magresearch.. Ang bagal kasi ng net ko ngayon..ewan ko ba kung sino ang nagddownload na naman. Mejo hindi nga ako kampante sa napili kong topic..tingin ko..mahihirapan akong i-defend yun kung kailangan pang i-defend. Sana wag na.. Or sana..ma-establish ko yun gusto kong i-point out dito sa thesis na ito.
Ang dami ko pa palang kailangan gawin.. mga lab reports pa.. Buti nalang may Sunday pa.. At buti nalang..nagsipag ako ngayon ^-^
May narinig ako sa kapatid ko na hindi matanggal tanggal sa utak ko. May kaibigan kasi sha eh nakipagbreak.. 3 months lang sila tumagal. Sabi ni Ik, sandali lang kasi niya niligawan yun gurl mga tatlong araw lang yata..basta wala pang isang linggo..tapos sila na agad. Ito yun tumatak sa isip ko na sinabe niya sa kaibigan niya, "Kung gaano mo kabilis nakuha ang isang bagay, ganon din kabilis mawawala." Ayokong maniwala. Depende rin naman kasi yun sa may hawak nung bagay. Pero kahit na.. parang natatakot ako na ewan.. wala naman akong dapat katakutan..?
Hindi talaga sa lahat ng pagkakataon masaya ka. Hindi pwede. Yun yata yung "balance" na sinasabi nila. Yung unang kaibigan ko pag pasok ko ng college, hinding hindi ko makakalimutan. Sabe niya ayaw daw niya maging mashadong masaya kasi ang kapalit non, kalungkutan. Iba tingin ko dun.. Dapat maging masaya ka ng todo-todo pag binigyan ka ng pagkakataon dahil minsan lang yon. Wag mo nang i-anticipate yun kalungkutan. Dadating at dadating yun..hintayin mo man o hindi.
Hindi ako galit.. hindi ako asar.. Masama lang loob.. More on sa sarili ko.
Minsan..hindi ko lang siguro talaga matancha yun mood niya.. Minsan.. parang pag nagbibiro sha..parang hindi biro yun dating sa akin.. Ewan ko ba.. Masasanay rin ako.. Kaya ko yun..
Ang pinakamasakit talaga yun pag ayaw kang paniwalaan ng tao dahil sa pagkakataon or siguro hindi lang talaga ako dapat paniwalaan.. At ang pinakanakakasama ng loob sa lahat lahat..yun pag binagsakan ka.. Dati ginagawa ko yun..dahil alam kong tatawagan naman ako uli.. Siguro nakakarma lang ako.. Binabalik lang sa akin yun dating ginagawa ko.. Tinuturuan ako na mali yon.. Alam ko namang mali.. Ginagawa ko lang naman yun para wala na akong masabing mas mali..
Nasanay (sinanay pala) lang talaga ako na kada may maling nagagawa, tapos nag-sorry, tapos na. Dapat tapos na. Dapat ok na. Dapat kalimutan na. Dapat napatawad na. Dapat wag nang ungkatin pa. Tama magagalit ako o maaasar sa umpisa..pero saglit lang yon..mapapalitan lang din agad ng sama ng loob.. Sorry lang. Tapos, tapos na yun.
Sabi ko lang yun. Kunyari wala lang. Kasi ayako mag-mukang mahina. Ayako yung feeling na mahina. Ma-pride ba ako? Hm..ewan.. Yung paniniwalang malakas ako..yun na lang yata ang nakakapagtulak sa akin para mag-exist.
At pag nabasa na naman to.. for sure, mababasa ito.. for sure.. lagot na naman ako.
Totoo lang..parang may limitations na nga ang pagsulat ko sa blog na to eh.. Kahit pano ko pilitin maging verbal..lahat ng gusto kong sabihin, nasstuck sa utak ko at akala ng utak ko, nilalabas ng bibig ko yung iniisip ko.. Hanggang dito lang ba talaga ako?
Tiiin* was starless at
10:55 PM

0 Comment(s):