*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Saturday, August 06, 2005
Uh Oh Uh Oh Uh Uh Uh Oh
Wala laaaaaaaang!!
Napakabusy ko lately. Pasensha na. At tinatamad na ako mag-ayos ng mga sentence at mag-isip ng tamang word para sa mga kaeklaboohan ko. Kaya eto na.
Pumunta kami sa school ngayon para gumawa ng mga slides. Grabe. Andame pala naming hindi dala. Actually, ang original plan ay buong barkada pupunta para magtrabaho. Eh anong nangyari? Wala lang. Maulan kasi hindi ko rin sila masisisi kung tinamad sila pumunta o ano. Pero sana nagpasabi naman nung umagang umaga palang na 'di na ko pupunta, nakakatamad e'. Mas tanggap ko naman yun kaysa pupunta ako tapos wala rin naman palang dadating. Mga babae lang talaga sa PUBES ang masisipag. Minus Nina. Hehehe. Salamat kay Elaine at Venise na lumuwas pa talaga para makarating sa school, ulan and all. Mwahx! Lab yu. Awa ng Diyos, may nagawa naman kami. Scales at uod. Ai, salamat pala kay Abs na dumaan pa kela Nina para kunin ang daga at palaka. Mwahx!
Hai. Berdey party ni Bobet ngayon. Ang aking babes. Hahaha! Nagpakasal kase kami sa Ragnarok kahapon. Trip trip lang kasi hindi pa sila nakakakita ng kasal. Ayun. Tuwang tuwa naman ang loko. Kada segundo siguro tinatawag ako. Hindi tuloy ako makapag-shopping ng maayos sa Prontera. Hmp. At nagpapakamatay pa kakabigay ng life niya ha. Wag ka. LOL! Abnoi talaga. Anyway, 4pm tapos na kami sa slides. Inintay pa namin si Master para sabay sabay kami pumunta kela Bobet. Hindi naman talaga ako pinayagan doon. Nagpa-BI lang ako kay Elaine. Hehe! Sabe niya wag na muna ako umuwi, pag hinanap nalang ako. Hahaha! Minsan lang naman eh. Nagenjoy ako kahit saglit lang. Nakakabitin nga lang.
Naiyak nga ako kay Master. Blame it on the hormones nalang. Haha! Kase. Naawa lang ako sa sarili ko. Ako yun pinakamatanda sa grupo pero ako pa yun mas hindi pinapayagan sa mga gimikan na ganyan. Alam ko naman na gusto lang ako protektahan ng mga magulang ko at kung anu-ano pa. Pero lam mo yun. Nung nagpapaalam kase ako, actually, nagsasabe lang ako na berdey ni Bobet. Ang sagot ba naman, kahit wala pang tanong, 'Wag ka pupunta!!'. Ayun. Tameme na me. LOL. Pagkagrad ko talaga. Siyet. Magliliwaliw ako. Nagpramis sila eh na pwede ko na gawin kahit ano gusto ko pag grad ko. Sana lang tuparin nila unlike nung grad ball ko non. At kung anu anu pang pangakong napako. LOL. Wateber.
Dapat pupunta ako sa Hong Kong this week. Sasama ako kela Les. Eh. Exams na pala. At napakadami ko pang dapat ayusin bago ako pwede magliwaliw. Pero sayang talaga. Ngayon palang kase ako makakapunta don. Lagi nalang kase Singapore. Chaka The Great Hong Kong Sale daw ngayon. Malay mo kung anong mabili ko don. Hehehe!! Eh too bad. Can't go. Sa ibang taon nalang. Basta pagkagrad, usapan namin ni Elaine, ppunta kame sa Disneyland Hong Kong. Yun ay kung hindi pa sila maghohoneymoon. Hahahaha!! Peace!! Mwahx!! At, basta. Yun na yun.
Bukas naman berdey party ni Siopay panet. Hmm. Kasha kaya pera ko pambili ng ice cream?? Panet kase kung isang tao lang makakakain. Corny. Eew. Hindi pa nga ako makakastay ng ganun katagal kase madami pa talaga akong kailangan gawin. Siguro mga isang oras lang ako dun. O hanggang sa matapos un ipapapaphotocopy ko at ipaparingbind. Hindi na nga ako sasama sa lakad nila mama. Hai. Home alone. Wawa. Pero ayus lang. Buti nalang walang training.
Speaking of training. Wala nang urungan to. Maglalaro na talaga ako for badminton and basketball. Sana lang wag ako magkalat. Hahaha!! Number 27 ako! ^-^ Kakatuwa!! ^-^ Sana din wag ako magkalat ng dugo. Hehehe!!
Hm. Ayun lang. Maguumaga na..
Asan na kaya si Aquaman?!
Tiiin* was starless at
11:55 PM

0 Comment(s):