*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Friday, October 20, 2006
"Kinukumpleto Mo ang Araw Ko"
Currently listening to: Martyr Nyebera
Hai. Ang aga nagsimula ng araw ko, 7am gising na 'ko para sa meeting ko ng 9am. Kelangan ko kase ng isang oras para sa biyahe. Alam mo na, para 'wag ma-late. Hehe. 8:30am nandun na 'ko, ako palang mag-isa huhuhu wawa naman ako.. Hehe Tas mga 9 nagsimula na sila magdatingan.
'Tong araw na 'to pala, nakalaan sa pagresearch ng mga related literature, methodology, at kung anu-ano pa para sa thesis namin. Ang toxic noh? Sembreak na sembreak, tumulak kami ng Munti para bumisita sa BFAD chaka sa RITM. Ang masaklap dun, di ako nagdala ng extra money para makabiyahe ako ng ganun kalayo. Buti nalang si Virns may extra hehe! Pinautang nia muna ako. Kakahiya. Dapat pala dinala ko na rin yun 500 kanina na nagaalangan akong dalhin dahil baka mawala lang. You know, baka sakaling may mga makasabay akong nagmamagic.
Buti nalang mga 3pm kelangan na umalis ni Joy kase babalik pa raw shang Manila. Dapat talaga mauuna na sha, kaso naalala ko, panu naman yun?! Di kaya kame marunong umuwi kung wala si Joy.. Huhuhu Kaya ayun, sabay sabay na kame umalis. Yung huling bill ko na Php20 pinangbayad ko na sa bus ko pauwi ng San Juan. Kung di dahil sa mga natatago kong barya, malamang maglalakad ako pauwi mula palengke. Wahaha!
Ayun. In short, pagod na pagod ako. Ang init na, ang layo pa, ang dumi pa (kase ordinary bus lang sinakyan namin papunta dun), tas ang haggard pa maghanap ng journal sa library na walang kaayusan. Magkakasama lang yung mga journal na parepareho ang title. Yun lang maayus dun.
Tas pag-uwi mo pa sasalubungin ka ng ganun. TADEN! Di ko naman maintindihan kung ano bang nagawa ko. Nagtatanong lang naman ako. Di naman bastos pagkakatanong ko. Di rin naman paulit-ulit or pangungulit. Pero kanina pa raw ako paulit-ulit. Binilang ko kung ilang beses ko bang nabanggit. Kung tama pagkakaalala ko, isa nung nangungulit ako tas pangalawa nung nagtatanong ako. Eh paulit-ulit ka naman pala Tin eh!! Panalo. Kumpleto na araw ko.
PS. Dito nalang siguro ako sa bahay bukas. Pupunta pala kay Mr. Quickie saglit para ipaayos yung sapatos ko. Tas uuwi na 'ko. Ewan ko sa 'yo.
Tiiin* was starless at
8:26 PM

0 Comment(s):