*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Saturday, October 21, 2006
Something Else to Get Me Through This
Currently listening to: Martyr Nyebera
"ang almusal ay sigawan, ang hapunan natin ay tampuhan, ang meryenda pagdududa.."Malungkot na naman ako. Or malungkot pa rin ako. :(
Buong week pinilit kong 'wag magsungit, 'wag mag-init yun ulo, at maging civilized para makaiwas sa kahit anong klase ng gulo. Kung kelan Friday na chaka ko pa hindi napigilan. Hai. Pagod rin kasi ako kahapon chaka wala ako sa mood para sa mga ganung banat na pwede namang palagpasin nalang sana, katulad ng mga katulad na banat noon. Kaso lang, di ko na kinaya. Tao lang rin naman ako.
Sabe nila, 'it takes 2 to tango'. Importante na dalawa kayong nagtutulungan para siguradong swabe. Kelangan pareho kayo ng direction na pinupuntahan.
Aalis kami dapat ngayon. Manonood ng The Grudge. Ayaw ko nun kasi duwag ako pero gusto daw nia 'ko kasama manood nun, kaya sige nalang rin. Nung umaga, pinilit kong ilabas lahat ng sama ng loob ko para maubos na, para maging nasa mood ako na lumabas pa rin at manood. 9 palang ata bihis na 'ko. Iniisip ko kasi para man lang makabawi dahil isang linggo na kami hindi nagkikita. Alam mo na, naghihintay ng milagro.
Past 12 na, nagbabangayan pa rin kame sa text. Gutom na 'ko nun kasi breakfast ko cookies lang. Gusto ko na ngang itanong na, 'gusto mo pa ba manood?' Para lang makaalis na kame. Kaso nung ittext ko na, namatay yun phone ko. Pagpalit ko naman ng phone, may bago nang text na parang pumigil na 'wag ko nalang itanong.
Gusto ko talagang umalis ngayon. Pakiramdam ko, lalo lang ako malulungkot kung dito lang ako sa bahay mag-isa. Kaya sabe ko nalang, aalis ako para kumain. Sabe nia, magpadeliver nalang daw ako. Hindi naman aabot yun sa minimum kaya kelangan ko talaga umalis. Ang sagot nia sa 'kin, 2pm pa daw sha makakakain. Nagokei nalang ako kaso naman nawrong send ako, nasend ko sa kanya yung text ko kay mama na sabe ko pashal kami. Nagtanong naman sha kung ngayon na raw ba.
Di ko naman talaga dapat issend yung text na yun. Issave ko lang dapat sa phone ko para di ko makalimutan na ilalagay ko sa blog. Pero kakalungkot. Kung kailan sana magyaya sha ng lunch at kung kailan sana pareho sha sa 'kin na talagang gusto umalis, kahit ano'ng mangyare, eh hindi.
Minsan tuloy naiisip ko na baka tama yung mga sinasabe ni mama. Kanina naiwan ako sa koche kase tumaya sha sa lotto. Pinagmamasdan ko sha. Ang laki talaga ng chan ni mama. Pero naisip ko, mapalad ako na 'di sha katulad ng ibang magulang na pinapabayaan yung mga anak nila sa kalsada. Mapalad ako na pinag-aaral nia 'ko, Med pa. Mapalad ako na pag may gusto akong bilhin na alam nia kelangan naman, binibili nia para sa 'kin. Oo madalas nag-aaway kami kase may mga bagay kame na hindi napagkakasunduan. Iba pananaw nia, iba pananaw ko. Kahit marami akong tinatagong sikreto sa kanya, iilang bagay lang yung mga pinakainiiwasan ko na magawa sa kanya, yung madisappoint sha for life, yung mapahiya sha sa maling desisyon ko, yung pumili ako ng mali.
'Count your blessings' yan nalang ginawa ko ngayong araw para masiyahan naman ako. Siguro talagang hindi ko dapat sha makasama ngayon. Baka ayaw ni God. Di ko alam. At least nabilhan ako ng bagong pants ni mama. Dalawa pa. Tas dumaan pa kaming Happy Feet. Di ako bumili kasi nag-iisip pa 'ko kung sulit ba.
Sabe nila 'Don't go for someone you love, go for someone who loves you' Parang dapat 'dun ka sa kung sino ang mas mahal ka kesa mahal mo. Gets? San ba ako napunta ngayon? Nakakalito.
Hindi naman ako nalulungkot dahil ganto yung nangyayare. Nalulungkot ako kase baka mali na naman 'tong pinasok ko. Naiisip ko na nga yung sasabihin sa 'kin ni Demsey. 'Ayan ka na naman. Tanga tanga ka kase.'
Malungkot ako. Pero may natutunan ako. Kahit sino pa'ng magditch sa iyo, isa lang ang taong makakapagsave ng a55 mo - ang nanay mo. Kahit madalas hindi kayo magkasundo, kahit ano'ng mangyare, anjan sha sa tabi mo.
Tiiin* was starless at
6:53 PM

0 Comment(s):