*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Monday, August 30, 2004
Haaay...
Nakakainis ang internet connection namin lately. As in. Halos isang minuto bago magload ang isang webpage. Nasabi pang nakacable internet kami. Shet. Eh daig pa yata ako ng prepaid. Shet talaga. Gumising pa naman ako ng maaga-aga ngayon para makapaglaro ng Ragnarok dahil napakalag nung weekend. Nakapaglaro naman ako pero shet ulit. Biglang naglag. Hindi tuloy ako nakapaglevel-up. 83% na nga eh. Shet talaga ulit. Feeling ko nga pagkatapos ng entry na to, baka hindi pa to mapost at mag page cannot be displayed. Shet shet shet.
Sabi ni Spark addict na daw talaga ako dahil nagbibilang ako ng oras ng laro at naiinis na ako pag hindi ako nakakapaglaro. Nakakabitin kasi. Nagset na kasi ako ng oras ng laro ko eh - 8am to 10am, tapos biglang past 9am lang, lag na. Grr. Shempre nagexpect na ako na mageenjoy ako ng dalawang oras. Hindi ka-adikan ang nararamdaman ko, ka-bitinan. Excited na kaya ako mag-assassin! Grr talaga. At isa pang grr.
Nung sabado, hindi ako nag-aral, naglinis ako ng bahay. Sinubukan ko kasi yun bagong bili na Pronto Wax and Shine ata yun. Basta yung ipapahid lang tapos wala ng scrub-scrub para kumintab. Anyway, palpak. Sabi ni mami baka daw kulang ang lagay ko. Feeling ko naman hindi kasi sabi sa instructions, isang kutsarita nung product for every 2ftx2ft ply ng sahig. Eh ang ginawa ko is, derederechong buhos kada marble. Mwahaha!! Hm.. Pero ewan ko kung kulang pa din yun.
Bakit ba nahihilig ako magsulat sa Tagalog?? Simula magbasa ako ng "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino" ni Bob Ong, parang lalo akong namulat sa pagiging Pilipino ko. Kahit na half-Chinese ako (or siguro mga one fourth na lang), nararamdaman ko ang pagka-Pinoy ko lalo na pagdating sa pagkain - mas gusto ko ang mga lutong pinoy, mas masarap kumain sa turo-turo at pag nagiisip ang utak ko, Tagalog ang gamit nito (or minsan TagLish). Pero ano nga ba ang basehan ng pagiging Pilipino? Pilipino nga ba ako ngayong naaasar ako na naging Pilipino ako at hindi nalang pure Chinese? Pilipino nga ba ako ngayong nagpaplano ako kung paano mapapadali ang pagmigrate namin sa Singapore? Pilipino nga ba ako ngayong nanggagalaiti ako sa mga masasamang katangian ng Pinoy?? Porket Tagalog ang gamit ko, ibig-sabihin ba noon Pilipino na ako??
Kahapon habang tinutulungan ko si mami sa pagluto-luto niya, nakwento ko sa kanya ang aking plano. Sabi ko, ang tagal yata bago ako maging doktor, gusto ko na kasi magmigrate tayo sa Singapore. Gusto ko makaipon kaagad. Si mami muna ang ipapadala ko dun, sunod yung kapatid kong pulpol, tapos ako. Sabi ko sa kanya, masama ba na hindi ko sinasama ang tatay ko sa mga plano ko? Sabi ni mami, hindi ko daw maaabot ang mga pangarap ko kung ganon ako mag-isip. Sabi ko naman sa kanya, di ba sabi ni papa pagkatapos namin magcollege, iiwan na niya tayo? Eh di hindi ko alam kung anong balak niya sa buhay. Kung gusto niya sumama sa Singapore, e di isama, kung ayaw niya, huwag. Tama naman daw yun isip ko sabi ni mami.
Tama din ang pagkakabasa mo. Pulpol na naman ang kapatid ko. Away-bati, away-bati na naman kami. Totoo lang, nakakasawa na. As in sukang-suka na ko sa ugali niya. Kapag may kailangan sha sa kin, ang bait niya, kapag wala, hala sige! Hay nako. Sabi ko nga, ayaw ko na magka-ayos kami para hindi na kami nag-aaway. Mwahaha. I'm so evil.
Yung kaklase ko, nagprint ng block directoy kung saan nakalista ang mga email address namin at cell number. Kagabi, guess mo kung sino nag-miss call?! Si PARE. Kafal noh?! Ano kala niya, magttext ako para magtanong kung anong kailangan niya?! MANIGAS. Sabi nga ni Spark, may ibang guys daw na ganun. Bet daw niya na alam na ni PARE yung bagong cell number ko before pa tapos since meron na nung directory, nakahanap lang sha ng dahilan o excuse para lang ma-prove na hindi niya ni-"research" o inalam ang cell number ko - nakuha lang niya thru the directory.
Tiiin* was starless at
9:37 AM

0 Comment(s):