*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Friday, October 08, 2004
Ang daming nangyari. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung anong meron sa araw na to pero parang ito na yata ang pinakamasalimuot na araw ng buong buhay ko at wala nang hihigit pa rito kahit na 'yung mga nangyari sa akin nung nakaraang linggo. Pasensya na kung magulo ako magsulat ngayon. Bangag lang ako at marami talagang laman ang utak ko. Buti nalang tapos na ang finals bago ako nagpaapekto.
Ilang araw, linggo o buwan na kami nagkakalabuan ni Spark. Nung isang buwan, humingi ako ng kalayaan pero hindi niya ibinigay. Last chance na daw. Babawi na daw talaga siya. Sawa na ako sa linyang yon. Bumenta na. Ilang beses pa. Binibili ko pa rin. Nauubusan rin naman ako ng pera. Hindi ako mayaman. Hindi ko na kayang bilhin. Simula non naghintay na lang ako sa susunod na mangyayari. Kung umayos kami, ok. Kung hindi naman, ok din. Ang daming nagsasabi na huwag akong gumawa ng bagay na sa huli'y pagsisisihan ko. Meron ding nagsabi na baka akala ko lang na hindi ko na siya mahal, pero pag nawala siya, hahanapin ko rin. Kanina, sa totoo lang nabigla ako, nagawa ko. Hinahanap ko ba siya? Hindi ko alam.. Kaya ko ba mag-isa? Hindi ko alam.. Mahal ko pa ba? Hindi ko alam..
Maraming bagong tao na pumasok sa buhay ko nung nakaraang buwan. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling at bakit biglang naging iba ang trato nila sa akin. Naging parang mas higit pa sa kaibigan. Nakukuwento ko iyon sa barkada ko, kahit puro sila gurlaloo (boys, talaga..feeling gurls lang..), minsan nakakapagbigay sila sa akin ng magandang advice (katulad nalang ni Bobet na nagturo sa akin kung paano masukat ang pagmamahal ng isang tao..*ehem*). Maaaring biru-biro lang ang sinabi ng iba sa kanila na "two-timer" daw ako..hindi totoo pero masakit pa rin para sa kin. Kung may mali ako, pinapansin ko lang sila, kinakausap at kinakaibigan. (Kung may mali nga doon, pakisapak nalang ako.) Pero hindi pa yun ang pinakamasakit na narinig ko. Isa sa mga tao na pumasok sa buhay ko, sinabihan ako na laru-laro lang daw ang ginagawa namin. In short, pinaglalaruan ko daw siya. Solid yon.
Bakit pa ba ko binigyan ng tenga kung ang maririnig ko lang puro masasakit na salita? Mas mabuti pang bingi nalang ako..
Tiiin* was starless at
9:02 PM

1 Comment(s):
at 2:29 PM:
hmm..naalala ko yung kanta ni kitchie nadal dito sa post mo:
"...itong pag-ibig kong handang
ibigay kahit pa ang kalayaan mo..."
these hard times would pass. just be patient.