*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Thursday, November 04, 2004
"Do not seek to be understood, seek to understand."
Sa umpisa, akala mo ok ok ka lang. Kasi akala mo free ka na. Akala mo wala ka nang aalalahin. Wala ka nang iisipin. Wala kang proproblemahin. Tuwang tuwa ka pa makasama mga dati mong mga kaibigan. Lumalabas labas ka. Nag-eenjoy. Nakikipagkulitan. Masayang-masaya. Kung sino ka, ganun ka pa din. Pero pag dating ng gabi at nag-iisa ka na lang na gising, napapa-isip ka. Mamaya-maya pa, wala ka nang makita o mabasa. At pagkagising mo kinabukasan, namumugtong ang mga mata.
Akala ko nung una galit ako kay Spark. Dahil g*go sha. Sukli lang binalik niya sa akin. Hindi buo. Pero alam ko binigay ko lahat. Nakalimutan ko magtira para sa sarili ko. Tanga ako. Alam ko. Sa sarili ko pala ako galit. Dahil hinayaan kong ganon ang gawin niya sa akin. Ayaw ko na magexplain. Nasabi ko na to sa mga post ko nitong mga huling araw. Ayaw ko na magpaintindi. Pagod na ako. Ayaw ko na rin maghabol sa mga taong gusto kong maintindihan ako. Hindi na kailangan. Hindi niyo ako kailangan intindihin. Dahil kung naranasan niyo na kung paano magmahal nang higit pa sa sarili niyo, alam niyo na kung anong nararamdaman ko.
Hindi pala talaga lahat ng bagay kaya mo gawin mag-isa. It takes several hearts and minds to determine exactly what you're feeling. Salamat kay Teacher Teacher, lalong lalo na kay SoulFly at kay Kurikung. Kung wala kayo, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Salamat talaga. Ang kulang nalang ngayon, tulungan ko sarili ko.
PS. Alam mo kung sino ka. Hirap na talaga ako sa iyo. Dati kinakaya-kaya ko lang. Ngayon, hindi na talaga kaya. Gusto kita maintindihan. Sabi mo, gusto mo rin ako maintindihan. Pero paano yun? Kung lagi mo akong lalayasan? Ayaw kong maniwala na bata ka pa, tulad ng sabi nila. Pero ngayon..yun yung nakikita ko. Kung ang goal mo sa pagalis-alis mo ng biglaan ay itulak ako palayo, gusto ko lang malaman mo - effective ito.
PPS. Darating rin ang araw na hindi na ako kasingdrama ng post na ito. Sana buhay pa tayong lahat pag dating ng araw na iyon. /gg
Tiiin* was starless at
9:28 PM

0 Comment(s):