*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Saturday, January 29, 2005
Tapos na.
Currently listening to: Rivermaya - You'll be Safe Here (From the sheer weight of your doubts and fears, weary heart.. you'll be safe here) ***for my amah.. wherever you may be.. i love you..***
Today, on a scale of 1-5, 5 being the highest:
School Productivity: 1 2 3 4
5
Angelic Deeds: 1 2 3 4
5
Devilish Acts: 1 2 3 4 5
Fun: 1 2 3 4 5
Mahal: 1 2 3 4
5
Nagugulantang at nagugulumihanan ako sa mga nangyayari.
06.30am
Nagtatawag ang mami ko dahil nanghihina na daw si amah. BP: 90/50
08.00am
Umalis na for work ang ibang tao. BP: 80/50
11.30am
Tinawag ako ni tita M kasi nangingitim yun fingers ni amah. BP: 70/50
12.00pm
Mahirap na maramdaman ang pulse. Hindi na kaya ng pang-BP. Pinapanood nalang kung saan hihinto ang mercury para sa unang reading at nagbibilang ako ng pulse: 50, 47, 42..
02.00pm
Tinawag kami ni tita B. Aalis na daw talaga si amah. Kumakain ako..nasabe ko sa sarili ko na hindi ako tatayo hangga't di ko nauubos pagkain ko. Ewan ko kung bakit. Parang naisip ko..kung aalis sha, mapipigilan ko ba? At gusto ko rin galangin yun pagkain.. Minadali ko lang naman rin.. sumunod na papunta kela amah. Pag akyat ko dun, nicheck ko agad kung may pulse pa sa leeg. Hindi na daw kasi nila marinig yun heartbeat. May nararamdaman pa akong pulse. Parang.. - _ - - - _ _ _ Hindi ko na mabilang dahil paputol-putol na.. Napasigaw pa nga yata ako.. ang dami kasing tao.. Pinapatong na nila yun damit na susuotin ni amah pag umalis na sha.. napasigaw ako ng "TEKA LANG!" kasi may nararamdaman pa akong papitik-pitik na pulse.
02.10pm
Pero.. nawala. Pinilit kong may makapa.. Pero wala na talaga.. Hinahayaan nalang ako ni tita M na magpipipindot dun sa leeg ni amah. Hanggang sa sinabihan na niya ako "Tin.. let go.." Dun na ako napaluha.. Sabe ko kay amah "Amah, kumain lang naman ako eh.." Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun. Ibig ko bang sabihin, dapat hinintay niya ako? Bakit iniwan niya ako agad? Sandali lang naman ako nawala, akala ba niya iniwan ko na sha? ...
Naasar ako sa ibang tao dito. Tulad ni UK at SK. Iniisip ni UK na hindi sha makakapunta sa fair nila, na hindi matutuloy ang ganito ganyan.. Si SK din ganon. Birthday niya kasi sa Feb.4 , hindi na daw matutuloy yun celebration nya blah blah, hindi na daw sila makakapagpagupit, etc etc. Ako ba yun mali? Kasi..totoo nga na wala na si amah.. wala na mashadong dapat isipin tungkol sa kanya.. pero tama ba yun isipin nila yung mga katiting na bagay na mawawala sa kanila?
Kanina naaalala ko yun mga pagkakataon na nagalit sa kin si SK dahil nag sasacrifice ako para sa lola ko (eg. umaabsent sa school, nagpupuyat or hindi talaga natutulog, blah). Sa chinese kasi, parang masamang araw ngayon para sa mga goat na tumingin sa patay. Eh si SK lang ang goat. HAHAHA!! Parang sinadya.. Eh.. basta di ba magulo sila.. Kasi ayaw ni amah kay SK simula noon noon pa.. Eh.. wala lang.. Si amah naman hindi naman ako dinadamay sa mga away-away nila.. tapos sha, na supposedly "mature" according to himself, dinadamay ako! Eh. Gagawin ko kung anong gusto ko gawin basta para sa lola ko noh. >:P
Tiiin* was starless at
11:28 PM

1 Comment(s):