*Welcome!
INSTRUCTIONS:
- Hit F11 on your keyboard.
- Navigation is to your left.
- Hit F5 to go back here.
- Arrows pointing downward are your friends.
- Click X on upper righthand corner to escape.
This is the 3rd layout and URL change for this year, 2006. I don't think I'd be changing it again soon.
Design: Tiiin*
GFX Editor: Adobe Photoshop and Adobe ImageReady
Lyrics: Crossfade's "No Giving Up" and "Starless"
Special thanks to: Yahoo! Geocities, Yahoo! toolbar, people who blog, and people who write tutorials.
Site Feed: http://hopelessandgrayedout.blogspot.com/atom.xml
The Tiiin Commandments
written by Demsey Ube
- Dapat lagi alam ni Tin kung nasaan ka lalo na kung magkasama kayo kanikanina lang.
- Dapat magsasabe agad kay Tin kung magmmigrate sa ibang bansa bago maging shota.
- Dapat supportive sa studies ni Tin.
- Dapat close sa mga barkada at maging kabarkada rin.
- Pag ayaw ni Tin, huwag nang pilitin; kundi, alam mo na kung saan ka pupulutin.
- Kung game ka magpakilala sa parents ni Tin, game rin sha.
- Dapat mature mag-isip. Ayaw ni Tin magalaga ng baby damulag.
- Huwag magppropose kay Tin na itatanan at papaaralin ng Medicine dahil di yan effective. (Tried and tested)
- Hindi papatol si Tin sa mga totoys kahit pa may back-up na friend/s, mababasted lang ng kung ilang beses.
- Love tin honestly and wholly. She can compromise naman, basta wag lang maabuso at kawawain si Tin. She
will love you back. Promise. (Hindi ko to inedit. Si Dems may gawa nian :)
Wednesday, October 12, 2005
Ako'y Kulang
Hai nako. Bat ganun?? Ilang minuto nalang o. Magbbirthday na ko. Ngayon pa ko tinotopak. Naman kase. Bat ngayon pa inuwiuwi yang video conference shet na yan. Tas kung sino sino nagmamarunong para maayos. Si papa may sinasabe. Si mama may sinasabe. Si ik may sinasabe. Si mike may sinasabe. Si chard may sinasabe. Si ai may sinasabe. Lahat nalang eh. Tas sabay tatanungin ka. 'Ano? Okei na ba?' Steeg.
Bat ngayon pa?? BAKET?!
Hay.
Tas ngaun naman. Eto na. Tinatamaan na ko ng depression.
Hay.
Ayoko na. Totoo lang. Ayoko na talaga tinatamaan nito. Pero bakit kasi ganon? Pinilit kong kalimutan, hindi ko naman magawa kase ayaw ko pa pala. Tas ngayon, tinatanggap ko na na okei ayaw ko pa pala kalimutan. Hayaan nalang muna natin. Tignan natin kung mawawala. Eh bat ba ayaw pang mawala?! BAKET?! Anu ba pinakain sa kin nun? Piattos? Balot? Ano?
Tas tuwing lalabas ako ng bahay, maiimagine ko andun sha may dalang rose iniintay ako para ihatid ako sa school. Madadaanan ko yun shop, sha pa rin maaalala ko. Yun 711, sha pa rin. Kasama ko nga sha nun nung may nakikipag-away sa guard. Hindi nga ako natakot eh. Naman. Hindi ba sila natatakot sa kasama ko?! Tas papasok ako, susubukang makinig sa teacher, ichecheck ang phone, magddaydream.. Bawat minutong wala akong dapat isipin, sha ang pumapasok sa isip ko. Bat ganun? Tapos pati paguwi. Shempre mag-isa sa bus, madaming naiisip, madaming naaalala. Parang kelan nga lang yun pagod na pagod sha, walang tulog kasi galing sha sa pagaasikaso sa mama nia, pero sinundo pa rin nia ako. Niyakap ko sha nun. Sobrang higpit. Iba. Kase dun ko narealize kung bakit ko sha mahal - kasi dedicated sha..pag mahal nia, mahal nia. Tas pag pauwi, maaalala ko pa rin sha. Lalo na pag maglalakad ako papuntang bahay. Tas pag nasa bahay na at nag online ako, maiisip ko, magoonline kaya sha? Kausapin nia kaya ako? Tas pag sa gabi may sisigaw na mama, 'Balot' daw. Haha.. Tas aun na, matutulog na ko. Pagdarasal ko na bless sha ni God, wag sha pabayaan. Tas minsan napapanaginipan ko pa sha. Kaso minsan ayaw nia magparamdam eh :( Tas aun, panibagong araw na naman. Ganun uli..
Hai. Anu ba yan..
Kung tutuusin. Ayaw ko pala talagang makalimutan dahil mahal ko pa. Mahal na mahal. Sa kanya ko lang naramdaman yun ganito. Sa kanya lang ako tumino. As in matino talaga. Walang kahit anong kalokohan. Pero bat ganun? Bat kung anu yung gusto mo, yun yung mahirap kunin. Tas pag nakuha mo, kukunin lang din sa iyo? Ang rason pa, hindi tama para sa iyo. Tas ikaw naman si tanga, hindi alam kung anong gagawin, hindi alam kung pano makipaglaban, oo ka nalang. Tas ngayon, ikaw pa rin yung nahihirapan pero hindi alam nung kumuha at nung kinuha na nahihirapan ka rin pala. Akala nila okei okei lang kasi nakatawa ka, hindi ka pa naman nagkakasakit, lahat akala nila normal..
Tas eto ka sinubukan mo magmahal ng iba, kala mo rin okei na, pero indi mo naman pala kaya. Tas hindi mo maintindihan kung nagpapakatanga ka na naman ba kasi ayan na nga sa harap mo ibang tao na nagmamahal sa iyo, ayaw mo pa. Gusto mo pa rin mabuhay sa kahapon kahit sinampal na sa iyo yung katotohanang hindi ka na nga mahal. HINDI NA. Na NAKARAAN na yon. Pero ayaw mo pa rin. So malamang, tanga ka nga.
Pero sa paningin mo, ayos lang. Ano naman kung mahalin mo kahit hindi ka mahal? Kesa naman magpamahal ka sa hindi mo naman mahal. Or sa pinipilit mong mahalin. Or sa mahal mo ng konti. Or sa mahal mo pero may mahal ka pa ring iba. Hayaan mo nalang. Tama ba?
Ewan.
Basta lang. Ayoko na pumasok uli sa panibagong relationship hangga't naiisip ko pa rin sha. Unfair yon. Napakaunfair. May masasaktan lang na naman ako. Ayoko na.
Birthday ko na.. Naging masaya ba ako habang 20 pa ako? Masaya ba ako? Magiging masaya kaya ako? Naging masaya naman ako kasi nakasama ko sha. Ngayon, hindi mashadong masaya, pero masaya. Sa susunod na mga araw kaya? Hindi ko alam.
Pero pakiramdam ko ngayon, may kulang.
Tiiin* was starless at
12:37 PM

1 Comment(s):